Eric at Epy, inisnab ng mga kapatid?!

Malapit na ang 14th death anniversary ng Comedy King na si Dolphy sa darating na July 10 kaya naisipan ng magtiyuhing Vandolph at Boy2 Quizon na buuin ang reunion movie ng Home Along Da Riles base sa dating hit and long-running TV sitcom on ABS-CBN.
Although wala na si Dolphy at ilang bumubuo ng Home Along Da Riles tulad nina Babalu, Bernardo Bernardo at Carding Cruz maging ang dalawang naunang director ng sitcom na sina Apollo Arellano at Victor de Guzman (anak ng yumaong komedyanteng si Teroy de Guzman at tiyuhin ng singer-actress na si Rita Daniela) na ipinagpatuloy ni Johnny Manahan, marami pa ang natitirang buhay sa miyembro ng original cast at kasama na rito sina Nova Villa, Claudine Barretto, Vandolph, Boy2 Quizon, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Cita Astals, Dang Cruz, Maybelyn dela Cruz at iba na kasama sa reunion movie ng Home Along Da Riles na palabas sa mga sinehan simula ngayong June 17, 2026. Sa unang pagkakataon, si Boy2 Quizon ang tumatayong director ng pelikula.
Samantala, marami ang nagtaka kung bakit hindi isinali nina Vandolph at Boy2 ang mga nakatatandang kapatid ni Vandolph at nga tiyuhin ni Boy2 na sina Eric at Epy Quizon na parehong bihasa sa pagdidirek at pamamahala ng produksyon.
- Latest






















