^

Probinsiya

OFW, mister pinagsasaksak, todas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Crime of passion

MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) at isang live-in partner nito matapos pagsasaksakin habang natutulog sa loob ng kanilang tahanan sa isang insidente ng “crime of passion” sa Brgy. Piaz, Villasis, Pa­ngasinan, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Pangasinan Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang 40-anyos na ginang na isang OFW at isang 42-anyos na magsasaka na kinakasama na nito.

Samantala, ang itinuturong suspect ay isang 47-anyos na mister na dating karelasyon ng nasabing OFW.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente noong Mayo 31 ng gabi sa loob ng tahanan ng mag-live in partner sa nasabing lugar.

Base sa imbestigas­yon, pinasok ng suspect ang tahanan ng mga biktima saka pinagsasaksak sila habang mahimbing na natutulog.

Sa nasabing ­insidente, nagising ang mga kapitbahay ng mga biktima dahil sa malakas na sigaw ng mag-live in partner habang pinagsasaksak ng galit na galit na suspect.

Ang suspect ay nakita pa ng ilang mga testigo na tumatakbo palabas ng tahanan ng mag-live in partner habang bitbit ang duguang patalim.

Ang mga biktima ay kapwa idineklarang dead-on- arrival sa pagamutan.

Sa teorya ng mga awtoridad, selos ang nakikitang motibo sa krimen dahil sa hindi umano matanggap ng suspect na ipinagpalit siya ng OFW sa lalaking biktima.

CRIME

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with