Lalaking inaresto nanlaban, patay

MANILA, Philippines — Isang 31-anyos na lalaki ang namatay nang manlaban, magtangkang manaksak at mang-agaw ng baril ng pulis, sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City, noong Linggo.
Ang biktima ay namatay dahil sa diumano’y hypovolemic shock. Nagtamo ito ng tama ng bala sa hita. Isang operatiba naman ang nasugatan sa braso, tuhod at paa.
Batay sa ulat ng Pasig City Police Station, nagsagawa sila ng motu propio investigation upang matukoy ang tunay na pangyayari.
Ang nasabing insidente ay nakunan ng netizen at nag-viral sa social media, kung saan hindi sumusunod ang suspek sa utos na dumapa at sa halip ay maangas itong nakikipagsagutan ng malapitan ng isang pulis. Inatake rin ng suspek ang pulis at tinangkang saksakin ng balisong at inagawan ng baril.
Sa inilabas na pahayag ni Pasig Police chief, PCol. Hendrix Mangaldan, sinibak na niya sa puwesto ang mga sangkot na operatiba at maging ang commander ng San Joaquin Police Sub-Station.
Paliwanag ni Mangaldan, ang lahat ng operasyon ay alinsunod na police operational procedures at iba pang polisiya at alituntunin at pinaalalahanan na magpakita ng professionalism at accountability.
- Latest


















