^

Bansa

Tulfo hinamon si Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tulfo hinamon si Cayetano
Senator Raffy Tulfo on January 26, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Hinamon ni Sen. Raffy Tulfo si Senate President Alan Peter Cayetano na dumalo ngayong araw ­(Hunyo 3) sa huling araw ng sesyon ng Senado upang patunayan na matapang siya.

Ginawa ni Tulfo ang hamon kay Cayetano matapos basahin ng kanyang kapatid na si Sen. Erwin Tulfo ang statement ng minorya tungkol sa boykot na ginagawa na mga senador na kasapi ng mayorya kaya dalawang araw nang walang sesyon sa Senado. “Hinahamon ko si Alan Peter Cayetano, kung matapang ka, pumunta ka rito bukas, otherwise duwag ka,” pahayag ni Tulfo, miyembro ng Solid Bloc 11.

Nauna rito, inihayag ni Cayetano na sinusubukan umano ng minorya na agawin ang kontrol ng Senado para pigilan ang pagpapatuloy na pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects. Binanggit din ni Cayetano na ang ginawang walkout ng minorya noong nakaraang linggo kaugnay sa panukalang online participation sa mga Senate proceedings ay bahagi ng planong agawin ang kasalukuyang liderato ng Senado.

Ngayong Miyerkules (Hunyo 3) malalaman kung dadalo na sa plenaryo ang majority para sa huling araw ng sesyon.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with