^

PSN Palaro

Hon bugbog kay Eala sa Birmingham

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hon bugbog kay Eala sa Birmingham
Alexandra Eala of the Philippines plays Linda Noskova of Czechia on Day 7 of the BNP Paribas Open at the Indian Wells Tennis Garden on March 10, 2026 in Indian Wells, California.
Matthew Stockman/Getty Images/AFP

MANILA, Philippines — Mainit na sinimulan ni Alex Eala ang kampan­ya nito matapos ilampaso si Priscilla Hon ng Australia sa pamamagitan ng impresibong 6-0, 6-2 panalo upang umabante sa second round ng 2026 Birmingham Open na ginaganap sa Edgbaston Priory Club sa Birmingham, United Kingdom.

Inilatag agad ni Eala ang solidong laro nito sa first set kung saan hindi nakaporma ang Australian netter para sa 1-0 bentahe.

Naipagpatuloy ng 21-anyos Pinay bet ang magandang laro nito sa second set para tuluyang tuldukan ang kampanya ni Hon.

Makakalaban ni Eala sa second round ang mananalo sa pagitan nina Alina Charaeva ng Russia at Great Minren ng Germany.

Samantala, bigo si Alex Eala sa doubles event.

Lumasap sina Eala at Nikola Bartunkova ng Czech Republic ng 4-6, 6-2, 9-11 kabiguan sa kamay nina second seeds Harriet Dart at Maia Lumsden ng England sa first round upang maagang mamaalam sa kontensiyon.

Nagawang makipagsabayan nina Eala at Bartunkova sa tiebreak kung saan naitabla pa nito ang iskor sa 8-all at 9-all.

Subalit mas kinatigan ng suwerte ang British pair upang tuluyang makuha ang panalo.

Matapos ang Birmingham Open, sasalang naman si Eala sa Ikley Open sa England din mula Hunyo 8 hanggang 14 kasunod ang Nottingham Open sa parehong bansa sa Hunyo 15 hanggang 20.

Hahataw din si Eala sa Bad Homburg Open sa Germany kung saan nabiyayaan ito ng wild card entry sa singles at doubles.

Makakasama ni Eala sa doubles si dating world No. 1 at Grand Slam champion Venus Williams.

Lalarga naman ang Wimbledon sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 12 sa London.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with