^

PSN Palaro

Alas kasado na sa AVC Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Buo na ang lineup ng Alas Pilipinas para sa 2026 AVC Women’s Cup  na papalo mula Hunyo 6 hanggang 14 sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.

Nakumpleto ang final lineup na galing sa national pool kung saan nangunguna sa listahan sina veteran outside hitter Alyssa Valdez at opposite spiker Jovelyn Gonzaga.

Kasama rin sa final lineup si opposite spiker Alyssa Solomon at middle blocker Nina Ytang na parehong nagpasyang mag-withdraw sa Premier Volleyball League (PVL) Rookie Draft na gaganapin ngayong araw.

Pasok din sina Ara Galang at Royse Tubino gayundin sina Kyle Negrito, Tin Ubaldo, Thea Gagate, Jazlyn Ellarina, Clarisse Loresco, Kyla Atienza at Alyssa Eroa.

Mapapalaban ang Alas Pilipinas sa Pool A dahil makakasama nito ang Australia, Chinese-Taipei, Kyrgyzstan, South Korea at Uzbekistan. Nasa Pool B naman ang Vietnam, Kazakhstan, Iran, Indonesia, Hong Kong at Lebanon.

Unang makakalaban ng Alas Pilipinas ang Uzbekis­tan sa opening day sa alas-3 ng hapon kasunod ang Australia sa Hunyo 7 sa alas-3 ng hapon.

Makakasagupa naman ng Pinay spikers ang Kyrgyzs­tan sa Hunyo 8 kasunod ang South Korea sa Hunyo 9 at ang Chinese-Taipei sa Hunyo 11.

Ang dalawang ma­ngungunang koponan sa bawat pool ang aabante sa semis habang ang mga nalalabing teams ay maglalaban sa classification round.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with