Danzel sasalang sa 3YO Locally Bred race
MANILA, Philippines — Siyam na dekalidad na kabayo ang nagsaad ng pagsali sa 2026 PHILRACOM “2nd Leg 3-Year-Old Locally Bred” stakes race na pakakawalan sa Hunyo 14 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Isa sa mga nakalista ang Danzel na gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate at magka-kuwadrang Confidence Surge at Crucial na sasakyan nina Ryan Base at John Allyson Pabilic, ayon sa pagkakasunod.
Ang ibang paparada sa pista sa distansyang 1,800 meter race ay ang Candle In The Wind, Fairfield, Georgia, Lady Outlaw, My Oh My at Solid.
Base sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magpakitang gilas ang kalahok na Georgia na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce.
- Latest





















