Engineer, ‘wanted’ sa pangmomolestiya ng bata arestado!

Habang kumukuha ng police clearance
DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Kalaboso ang isang 49-anyos na telecommunications (telecom) engineer matapos arestuhin habang kumukuha ng police clearance dahil sa nakabinbing kasong pangmomolestiya sa bata sa Dasmariñas City, kamakalawa.
Ayon sa mga awtoridad mga kasong Acts of Lasciviousness o pangmomolestiya sa menor-de-edad ang kaso ng suspek na kinilala sa alyas “Mark,” 49-anyos, Telecom Engineer, residente ng Dasmariñas City Cavite.
Base sa ulat ng pulisya, nasa Rank 3 City Level Most Wanted Person ang suspek na residente ng Barangay Salawag ng lungsod na ito.
Alas-5:00 ng hapon ng Mayo 29, 2026 nagtungo ang suspek sa Dasmariñas City Police Station upang kumuha ng police clearance. Habang ina-assist siya sa Clearance Office, lumabas ang pangalan nito sa eWarrant System ng National Police Clearance System (NPCS).
Nakasaad na may nakasampang 2-counts ng paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ang inhinyero.
May nakalaan namang piyansa na P180,000 bawat bilang ng kaso para sa akusado na hindi na nakauwi at diretso sa kulungan.
- Latest

















