CIDG may lead sa ‘kuta’ ni Bato

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na may bago silang lead na sinusubaybayan kaugnay ng kinaroroonan ni Senador Ronald dela Rosa.
Ayon kay PNP-CIDG Director PMGen. Robert Morico II, mayroon silang namo-monitor na mga “sightings” bilang bahagi ng manhunt operations laban sa senador.
Gayunman, tumanggi si Morico na magbigay ng karagdagang detalye bunsod na rin ng pagiging sensitibo ng impormasyon at bahagi ng nagpapatuloy na operasyon.
Paliwanag ni Morico, mahalagang panatilihing confidential ang mga nakukuhang impormasyon upang hindi maapektuhan ang isinasagawang monitoring at iba pang hakbang ng mga awtoridad.
Dagdag niya, nakatutok ang mga awtoridad sa masusing beripikasyon ng mga natatanggap na impormasyon upang matiyak ang tagumpay ng kanilang mga hakbang.
Handa rin naman ang CIDG na isapubliko sakaling kumpirmado na ang kanilang impormasyon.
- Latest





















