Majority senators ‘binoykot’ sesyon

MANILA, Philippines — Mistulang tinapatan ng majority bloc ng Senado ang ginawang walkout ng minority senators noong May 26 matapos wala ni isa sa kanila ang dumalo sa sesyon kahapon na nagsimula ng alas-5.
Nangyari ang boykot matapos sumuko sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group si Sen. Jinggoy Estrada na miyembro ng majority bloc.
Sa pagbubukas ng sesyon, present ang lahat sa minority na kinabibilangan nina Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III, Senators Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, JV Ejercito, Bam Aquino, Panfilo “Ping” Lacson, Kiko Pangilinan, Juan Miguel Zubiri, Erwin Tulfo at Raffy Tulfo at Lito Lapid.
Mahigit dalawang oras naghintay ang mga senador at mga bisita na nasa loob ng session hall pero walang sumipot kahit isang miyembro ng mayorya.
Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Win Gatchalian na nalabag ang rules ng Senado dahil hindi naman puwedeng i-suspendi at i-cancel ang sesyon ng walang konsultasyon sa majority.
Wala rin aniyang abiso na natanggap ang minorya at pinag-iisipan nila na maghain ng complaint dahil may nangyaring paglabag.
Sinabi naman ni Zubiri na nakita na lamang nila sa social media na walang sesyon ang Senado.
- Latest
















