Justin Brownlee VS C-Mac sa Pba finals

MANILA, Philippines — Matapos si Rondae Hollis-Jefferson, si balik-import Chris McCullough naman ng TNT Tropang 5G ang makakatapat ni Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup Finals.
Aminado si Brownlee, ang six-time PBA champion at three-time Best Import awardee, na magkaiba ang laro ng 6-foot-6 na si Hollis-Jefferson at ng 6’9 na si McCullough.
“He’s a very versatile player. It’s definitely going to be a challenge for our team to be able not to stop him but to contain him,” wika ng 38-anyos na si Brownlee sa 31-anyos na si McCullough.
Si McCullough, ang No. 29 overall pick ng Brooklyn Nets noong 2015 kung saan niya nakasama si Hollis-Jefferson, ang gumiya sa San Miguel sa korona ng 2019 Commissioner’s Cup.
“I think this is truly going to be one of the PBA Finals that’s going to be remembered for a long time,” sagot ni McCullough.
Kapwa tinapos ng Ginebra at TNT ang kanilang mga semifinals showdown sa Rain or Shine at Meralco sa 4-2 para itakda ang ikatlong finals rematch sa nakaraang apat na komperensya.
“It’s all about determination or willingness kung sino ‘yung gustong kunin ‘yung series na ito,” wika ni Gin Kings playmaker RJ Abarrientos.
Sa likod ni Hollis-Jefferson ay tinalo ng Tropang 5G si Brownlee at ang Gin Kings sa 2025 PBA Governor’s Cup at Commissioner’s Cup.
“Different na Finals ito kasi hindi si RHJ ‘yung import namin, but we have si C-Mac (McCullough) na sobrang galing din. So, magandang-magandang Finals ito,” ani TNT gunner RR Pogoy.
Nagkaroon si RHJ ng Achilles injury kaya kinuha ng Tropang 5G si dating NBA center Bol Manute Bol na nakaranas din ng parehong injury sa Game Three ng kanilang semis duel ng Bolts.
- Latest

















