Ang Kapitbahay (125)
HINDI ako makapaniwala sa sinabi ni Margie. Nagsasama na raw sina Ram at Brenda.
“Wala akong kamalay-malay na nagtutungo rito si Ram at napaibig niya si Brenda. Isang araw na umuwi ako, wala na si Brenda. Nag-text sa akin at sinabing sumama na siya kay Ram. Mahal daw niya si Ram kaya hindi na siya uuwi rito,” sabi ni Margie na sumabog na ang luha. Parang binagsakan ng mundo sa nangyari.
“Wala kang napansin sa dalawa? Hindi mo nabantayan ang anak mo?”
Hindi makasagot si Margie. Patuloy sa pag-iyak. Hindi alam ni Vince kung nagsisisi ito sa nangyari.
“Hindi mo napansin na ahas pala si Ram?”
Lalong umiyak si Margie.
“Anong balak mo ngayon?”
Matagal bago nakasagot.
“Hindi ko alam.”
“Bakit hindi mo sabihin kay Renan?”
“Ayoko!”
“Bakit?”
Hindi sumagot si Margie.
“Dahil mabibisto ang relasyon ninyo ni Ram?”
Hindi sumagot si Margie. Nakatingin sa kawalan.
“Kung ako sa’yo sasabihin ko na kay Renan ang lahat, Margie. Malalaman din naman niya ang baho mo.”
“Ayoko!”
“Alam na niya!”
Itutuloy
- Latest

















