^

Bansa

‘Due process, pagkakataon na sumagot’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Due process, pagkakataon na sumagot’
In this photo, uploaded on Facebook on Feb. 5, 2026, Sara Duterte attends AI Frontiers in Davao City.
Vice President Sara Duterte via Facebook

Birthday gift ng Prosecution panel kay Sara…

MANILA, Philippines — Tamang proseso ng batas at pagkakataon na sagutin ang Articles of Impeachment ang itinuturing na “birthday gift” ng House prosecution panel kay Vice President Sara Duterte, kasabay ng nalalapit na paglilitis sa Senate impeachment court.

Ito ang pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Renee Louise Co, isa sa mga tagapagsalita ng panel.

“Sana sa kanyang kaarawan, matupad ang wish ng taumbayan — ang matagal nang hinihintay na pagharap niya sa proseso ng pananagutan,” ani Co.

Giit ni Co, sa kabila ng tensiyon sa pulitika, bibigyan si VP Sara ng pagkakataon na ipri­sinta ang kanyang pa­nig at sagutin ang mga ­akusasyon sa pamamagitan ng ­konstitusyonal na proseso.

Binanggit din ni Co na hindi dapat pakawalan ni Duterte ang pagkakataon na magpaliwanag sa taumbayan sa Senado, lalo’t nauna na nitong iniwasan ang pagdinig ng Justice panel ng Kamara.

Binigyang-diin niya na ang Senado ang ­huling pagkakataon ni VP Sara na sagutin ang mga alegasyon sa impeachment articles — sa halip na sa social media o press conferences.

“Pinanghahawakan po natin ang sinabi niya na magsusumite siya ng sagot. Hinihintay na rin po ng taumbayan ang depensa niya — hindi lang teknikalidad o procedural, kundi ‘yung diretsong sagot sa mga alegasyon,” ani Co.

BIRTHDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with