^

Metro

OFW na-extradite sa panggagahasa sa anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Mula sa Bahrain

MANILA, Philippines — Isang ama na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Bahrain ang ipinaaresto ng sariling anak dahil sa panggagahasa ng ilang ulit sa panahong umuuwi ng bansa, ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation.

Sa pulong-balitaan ng NBI, iniharap sa media ang akusado na dinakip ng NBI-International Operations Division (IOD), sa pamamagitan ng extradition sa pakikipag-ugnayan sa international law enforcement authorities at International Criminal Police Organization (INTERPOL).

Sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 5, Family Court, Fourth Judicial Region, Trece Martires City, Cavite, sa kasong 2 counts of Rape (Article 266-A) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 8353 (Anti-Rape Law of 1997), hinilip sa Interpol ang red notice laban sa suspek noong Enero 2026.

Noong Abril 16, 2026, ibinahagi ng Philippine Center for Transnational Crime (PCTC) sa NBI na naaresto na ang suspek sa Kingdom of Bahrain at agad naaprubahan ang extradition laban sa akusado.

Isang escort team ang ipinadala sa Bahrain nitong May 18 at dala nila ang akusado na sinalubong naman pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 alas-11:54 ng umaga ng mayo 21, ng mga operatiba ng NBI-IOD at agad siyang dinala sa NBI detention facility sa Building 14, New Bilibid Prison, Muntinlupa City, na nakatakdang iharap sa pagdinig sa korte.

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with