Gawad Kalinga founder arestado sa qualified trafficking

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang founder ng Gawad Kalinga na si Tony Meloto sa isang farm sa Brgy. Engcanto sa Angat, Bulacan, kamakalawa ng gabi.
Batay sa inisyal report ng Bulacan PPO kay Police Regional Office 3 Director PBGen. Jesse Mendez, may warrant of arrest si Meloto para sa kasong Qualified Trafficking sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, mula sa Malolos Regional Trial Court Branch 76.
Walang inirekomendang piyansa para sa kaso.
Nabatid na Setyembre 2025 nang ireklamo si Meloto sa mga alegasyon na minolestiya niya umano ang dalawang lalaki na beneficiaries ng kanyang foundation.
Nadawit din siya sa reklamong acts of lasciviousness, sexual harassment at human trafficking.
Magugunitang nauna na niyang mariin na itinanggi ang mga alegasyon, at sinabing isa umano itong “demolition job” laban sa kanya.
Nasa kustodiya na ng pulisya si Meloto habang inihahanda ang kanyang return of warrant.
- Latest






















