^

Metro

QCPD pinalakas inter-agency partnerships

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Quezon­ City Police District (QCPD) na mas lalo pa nilang palalakasin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng serye ng coordination meetings na isinagawa mula Abril hanggang Mayo 2026.

Sa ilalim ng pamumuno ni QCPD Director PBGen Randy Glenn Silvio at ng District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) na pinamumunuan ni PLtCol. Crizalde Conde, tinalakay sa mga pagpupulong ang mga hakbang upang mapalakas ang public safety, mapabuti ang mga polisiya sa law enforcement, at maisulong ang mas epektibong pamamahala.

Kabilang sa mga natalakay ang panukalang paghihigpit sa requirements para sa pagkuha ng duplicate motor vehicle plates kasama ang Land Transportation Office (LTO), pakikipag-ugnayan sa hudikatura upang mapalakas ang criminal prosecution, at konsultasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Social Services Development Department (SSDD) kaugnay ng posibleng pagtanggal sa listahan ng ayuda ng mga naares­tong indibidwal.

Nabatid na nakipagpulong din ang DIDMD sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hinggil sa mga usaping may kaugnayan sa regulasyon ng Small Town Lottery (STL) ope­rations, gayundin sa tanggapan ng alkalde ng Quezon City para sa usa­pin ng Peace and Order and Public Safety Indicators para sa Calen­dar Year 2025.

Bukod dito, nakipag-ugnayan din ang DIDMD sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) upang suriin ang posibleng ugnayan ng kahirapan at kriminalidad sa National Capital Region.

Ayon sa QCPD, layunin ng mga hakbang na ito na higit pang mapalakas ang institutional partnerships at maisulong ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa Quezon City.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with