Bebot nasagasaan sa EDSA busway, patay

MANILA, Philippines — Patay ang isang hindi pa kilalang babae matapos na masagasaan sa EDSA busway kahapon ng umaga sa Quezon City.
Inaalam na ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) ang pagkakakilanlan ng biktima.
Sa imbestigasyon ng DTEU, nangyari ang insidente bandang alas-11:20 ng umaga sa EDSA Southbound Carousel Bus Lane.
Sinasabing tumatawid ang biktima nang matumbok ng bus Golden Dragon Truck Bus na minamaneho ni Ricardo Surdilla.
Tumilapon ang biktima na naging dahilan ng agarang pagkasawi nito.
Nahaharap ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.
- Latest