^

True Confessions

Hiyasmin (240)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“Totoo ang sinasabi ko Mareng Julia. Baka isipin mo, na porke nabuntis ako ng Kuwaiti ay masama na ang sinasabi ko sa kanila. Marami nang pangyayari na ang ang Pinay ay ginagahasa ng kanilang amo,’’ sabi ni Mama Lira na seryosong seryoso ang boses.

“May nabasa nga ako nun sa diyaryo, Mare.’’

“Totoo na maraming inaabusong Pinay DH sa Kuwait. Mayroon akong nabalitaan na isang Pinay ang ginawang sex slave ng kanyang amo. Mayroon pa nga akong naba­litaan na isang Pinay ang nagtatakbo ng hubad sa kalsada para matakasan ang among manyak.’’

“Diyos na mahabagin!”

“Mabuti na lamang daw ay may mga OFW na nakakita sa DH kaya tinulungan at dinala sa shelter ng embahada natin dun. Kung hindi siya natulungan ng mga kababayan, baka pinatay siya ng amo.’’

“Nakakaawa pala ang kalagayan ng mga Pinay DH. Pero bakit marami pa rin ang gustong dun magpunta, Mareng Lira. Alam na naman nila na mara­ming manyakis dun.”

“Siguro’y wala na silang ibang mapag-aplayan.”

“Puwede naman sa Hong Kong, di ba?’’

Napatango si Mama Lira.

“Kaya nagpapasalamat pa rin ako at hindi ako na­karanas ng kalupitan at kamanyakan ng amo—’yun nga lang napaibig naman ako sa Kuwaiti at naanakan.’’

“Pero iba naman ang kaso mo Mareng Lira—at siguro talagang niloob ng Diyos na mabuo si Hiyasmin para makilala ng anak ko.’’

“Siguro nga, Mare.”

“Di ba ang saya-saya natin ngayon dahil sa ka­nilang dalawa.”

(Itutuloy)

KUWAITI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with