^

PSN Palaro

Giant-Killer!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Giant-Killer!
Naibalik ni Alex Eala ang bola mula sa kalabang si world No. 2 Iga Swiatek sa Miami Open.

Eala pinagbakasyon si Swiatek

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang giant-killer na si Alex Eala matapos patalsikin si world No. 2 Iga Swiatek ng Poland sa bendisyon ng impresibong 6-2,7-5 desisyon upang masiguro ang silya sa semifinals ng Miami Open kahapon sa Miami, Florida.

Muling inilatag ng 19-anyos Pinay netter ang solidong laro nito upang mabilis na mapatumba ang five-time Grand Slam champion.

Si Swiatek ang ikatlong Grand Slam champion na pinataob ni Eala sa Miami Open.

Kaya naman hindi ma­kapaniwala si Eala sa panibagong tagumpay na nakamit nito.

“I’m just in disbelief right now. It’s so surreal. I’m so happy and so blessed to be able to compete with such a player on this stage,” ani Eala.

Nauna nang pinatalsik ni Eala sina dating Grand Slam winners Jelena Ostapenko at Madison Keys

Naging armas ni Eala ang tiwala nito sa sarili upang makuha ang panalo laban sa mas beteranong si Swiatek.

“I’m trusting my shots and I have a great team to tell me that I can do it,” ani Eala.

Desidido si Eala na maipagpatuloy ng kanyang matikas na kamada kaya’t inaasahang ibubuhos pa nito ang kanyang lakas sa kanyang susunod na laban sa semis.

“Just because I won this match or the one before doesn’t make the next one any less tough. If anything it will be more tough, so it will take everything that I have,” ani Eala.

Pinuri ni Swiatek ang magandang inilaro ni Eala na tunay na sumubok sa kanyang kakayahan sa buong panahon ng laban.

“I’m sure I wasn’t pla-ying my best game and I felt like my forehand collapsed a little, so it wasn’t comfor­table and Alexandra, for sure, used her chances and pushed me, so for sure she deserves to win this match,” sambit ni Swiatek.

Muling daraan sa ma-tinding pagsubok si Eala dahil makakaharap nito si world No. 4 Jessica Pegula ng Amerika sa semis.

Nakapasok sa semis si Pegula nang gapiin nito si dating US Open champion Emma Raducanu ng Great Britain, 6-4, 6-7 (3/7), 6-2.

Nagdiwang ang buong bansa sa panalo ni Eala kung saan kaliwa’t kanang papuri ang natatanggap nitong mensahe mula sa iba’t ibang personalidad.

Dumagsa rin sa venue ang mga Pinoys na nasa Miami para suportahan ang laban ni Eala.

Kaya naman nagpasalamat si Eala sa lahat ng sumusuporta sa bawat laban nito.

Nakatarak na sa kanyang puso ang bawat tagumpay nito sa Miami Open na tagumpay rin ng buong samba­yanan.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->