^

Bansa

VP Sara, Harry Roque, Robin Padilla dumating sa ICC

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, Harry Roque, Robin Padilla dumating sa ICC
Dumating sina Vice President Sara Duterte, dating presidential spokes- person Atty. Harry Roque, at Sen. Robinhood Padilla sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands kahapon, ilang oras bago ang pre-trial ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Screenshots/ONE News

MANILA, Philippines — Sinamahan nina dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque at Senator Robin Padilla si Vice President Sara Duterte sa pagbisita sa kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Nabatid na magkakasamang pumasok ang tatlo sa visitors entry hours ng ICC, ilang oras bago ang nakatakdang pagharap ng dating pangulo sa hukuman.

Tumanggi naman munang magbigay ng panayam ang bise presidente sa mga mamamahayag na nag-aabang sa kanya doon at nangakong magpapaunlak rin naman ng interview sa media.

Matatandaang ilang oras lamang matapos na dalhin sa The Hague ang dating pangulo ay kaagad na ring lumipad patungong Amsterdam ang bise presidente upang kausapin ang mga abogado ng ama at dalawin ito.

Inaasahan namang haharap si FPRRD sa pre-trial chamber ng ICC dakong alas-2 ng hapon doon o alas-9 ng gabi dito sa Pilipinas, dahil sa kinakaharap na crimes against humanity.

Ito rin naman ang unang pagkakataon na nagpakita sa publiko si Roque matapos na mangibang bansa kasunod nang pagkakasangkot sa kanya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->