^

Bansa

66 senatorial bets pasok sa final list ng Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
66 senatorial bets pasok sa final list ng Comelec
This file photo shows the Senate building in Pasay City.
Official Gazette, file

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga senatorial candidates na pinahintulutan nilang tumakbo para sa May 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, 66 na senatorial candidates lamang ang nakapasok sa natu­rang pinal na listahan matapos na tuluyan na nilang hindi payagang makakandidato ang 117 iba pang aspirante sa pagka-senador, na idineklarang nuisance.

Kabilang sa final list si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder at Pastor Apollo Quiboloy, na kasalukuyang nakapiit dahil sa mga kasong kriminal na kinakaharap sa hukuman.

Sinabi pa ni Garcia na nakatakda na rin nilang ilabas sa susunod na linggo ang balota kung saan makikita ang mga pangalan ng mga natu­rang kandidato sa pagka-senador.

Dagdag pa ni Garcia, “wala tayong nakuhang restraining order, wala pong inisyu na temporary restraining order ang Supreme Court sa 117 na dineclare ng Comelec na nuisance so 66 lang po talaga.”

COMELEC

NLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with