BOC-Intel Group nakamit Extraordinary Achievements
MANILA, Philippines — Nag-iwan ng extraordinary achievements ang Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG) sa kanilang mga nagawang trabaho ngayong taon.
Sa command conference na dinaluhan ng lahat ng hepe ng IG field offices sa bansa, napag-usapan nang detalyado ang mga mahahalagang kaso na hinawakan nila at mga tagumpay na nakamit sa taon.
Sinabi ninDirector Verne Y. Enciso ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) na nakamit nila ito dahil sa husay sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio at Deputy Commissioner Juvymax R. Uy.
“From 729 seizures worth PhP24 billion in 2022, we have now, in 2024, achieved an astounding 1,537 seizures with a total value of PhP81 billion—and counting,” wika ni Enciso.
Sa halagang nabanggit ay higit sa kalahati ang nanggaling sa CIIS-MICP na nagkakahalaga ng P55 bilyon na nahuling kontrabando at kabilang dito ang illegal na drugs, vape products, frozen mackerel, mamahaling sasakyan, pangkalahatang kalakal, ukay na damit, mga peke na gamit, at produktong pang agrikultura.
Ang isa sa mga nabigyan halaga sa usapan ay ang presentasyon at pagsusuri sa mga bagay na nasabat at pinag-usapan kung anu-ano ang mga klase na gamit ang pinupuslit ngayon taong 2024, mga gamit na madalas na mahuli nitong taon, at mga madalas na pamamaraan na ginagamit para makapuslit ng gamit.
- Latest