32-anyos misis itinumba sa lamayan!
DONSOL, Sorsogon, Philippines — Bulagta ang isang 32-anyos na misis matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa mismong lamayan sa Purok-3, Brgy. Cristo, Donsol, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.
Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktima na kinilala lamang sa pangalang “Loti”, may-asawa at residente ng naturang lugar.
Ayon sa ulat, dakong alas-6:15 ng gabi, kasama ang menor-de-edad na anak ay nagpunta ang biktima sa burol ng namatay na ka-barangay na isang kasapi ng CAFGU upang makilamay.
Gayunman, ilang sandali ay nilapitan ang biktima ng suspek at sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril na agarang nasawi.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
- Latest