^

True Confessions

Hiyasmin (44)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANONG ginawa mo sa hiling ng Chinese na superbisor na ipakita ang ano mo? Pumayag ka?’’ tanong ni Dax kay Hiyasmin.

“Hindi po!’’

“Anong ginawa mo?’’

“Bigla po akong lumabas ng opisina ng manyakis na superbisor. Kinabukasan po, hindi na ako pumasok.’’

“Mabuti at may pre­sence of mind ka na ganun ang gagawin. Kasi ang iba, dahil hindi alam ang ga­gawin, nabibiktima ng mga mapagsamantalang amo. At dahil sa takot, hindi na nagsusumbong. Kaya ma­rami ang mga nabibiktima ay dahil ayaw magsumbong.’’

“Pero natakot din po ako nun. First time kasi na may nagsabi sa akin ng ganun kalaswa. Inoperan muna tapos yun pala ay may kapalit—ipakita raw ang boobs ko.’’

“E di wala ka nang tra­baho? Paano ang pag-aaral mo?’’

“Hindi po ako nasiraan ng loob. Nag-aplay naman­ akong saleslady sa isang department store. Akala ko ay okey na sa bagong trabaho. Pero ganundin, pinagnasaan din ako. Chinese din po ang nagnasa sa akin—may-ari ng tindahan.

“Kung sa pabrika na una kong pinatrabahuhan ay inoperan ako ng dagdag suweldo basta ipakita ang boobs ko, sa ikalawang job ko ay ipakita ko raw ang ano ko—etong ma­se­lang bahagi. Kahit daw sandali lang kong ipakita at ang kapalit ay tataasan ang suweldo ko at gagawing superbisor. Pero hindi po ako natakawan sa offer ng Chinese na may-ari, lumabas ako at hindi na nagbalik.’’

“Talaga palang nalagay ka sa panganib—at pawang mga nagnasa sa iyo ang mga lalaki. Mabuti at walang nangyari.’’

“Meron pa pong isa—last po na trabaho ko bago kita nakilala.’’

“Ah yung may ID ka na nalaglag at napulot ko.’’

“Ano naman ang story nun?’’

“Pabrika po yung pi­nagtrabahuhan ko. Pinatawag din ako ng superbisor na Chinese. Pagpasok ko pa lamang ay parang laway na laway na ang ma­tandang Chinese. Nakatitig sa boobs ko. Naiilang ako sa titig. Gusto ko nang magpaalam kahit hindi pa sinasabi kung ano ang dahilan at pinatawag ako. Kinabahan kasi akong bigla. Parang may gagawing hindi maganda sa akin ang Chinese…’’

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with