^

True Confessions

Hiyasmin (49)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“May nakalimutan akong ibigay,” sabi ni Dax.

“Ano po yun, Sir Dax.’’

“Etong allowance mo. Di ba sinabi ko na bibigyan kita ng allowance?’’

“Ah.”

Iniabot ni Dax ang pera kay Hiyasmin. Dalawang P1,000.

“Ang dami naman po nito.”

“Tiyak na marami kang pagbabayaran dahil gra­duating ka na. Kapag nagkulang ay sabihin mo sa akin.’’

“Sige po. E ano nga po pala ang iluluto ko mamaya sa hapunan.”

“Huwag ka nang magluto at magti-takeout na lang ako ng kakainin natin. Ano ba gusto mo?’’

“Bahala ka na po.”

“Sige. Basta ma­maya, pagdating ko, may dala na akong pagkain.”

“Sige po. Aalis na po ako.’’

“Sige, ingat.’’

Kinahapunan, dumaan sa isang restaurant si Dax at nag-takeout nang maraming pagkain—fried chicken, chopsuey, fish fillet, salad, at marami pa.

“Eto na dinner natin, Hiyasmin.’’

“Ang dami naman po nito Sir Dax. Kaya ba nating ubusin ‘to?”

“Kaya yan!’’

Inihanda ni Hiyasmin ang mesa at kumain na sila. Masayang nag-usap.

“Kailan nga pala birthday mo?’’

“Matagal pa po.’’

“Sabihin mo sa akin para makapaghanda tayo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with