^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Quota sa mapapatay na drug suspects

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Quota sa mapapatay na drug suspects

HINDI na nakapagtataka kung bakit maraming napatay na drug suspects sa panahon ni dating Pre­sident Rodrigo Duterte, mayroon palang quota ang mga pulis na dapat ay may 50-100 na drug suspects na mahuhuli o mapapatay bawat araw. At mayroong reward kapag naabot ang quota. Ang reward ay tuma­taginting na P20,000 sa bawat mapapatay na drug sus­pects. Ang pondo ay galing sa POGO operations at sa Small Town Lottery (STL). Mahigit 6,000 ang napatay sa drug campaign ng Duterte administration.

Ang quota at reward system ay kinumpirma ni Col. Jovie Espenido nang humarap siya sa pagdinig ng Quad Committee ng House of Representatives noong Miyer­kules. Sinabi niya na totoo ang quota at reward system sa war on drugs ng Duterte administration. Si Espenido ay dating police chief ng Albuera, Leyte at Ozamiz City, Misamis Occidental sa panahon ng drug war.

Hindi lamang daw pera mula sa POGO at STL ang ginagamit na reward kundi pati na rin ang intelligence funds. Ibinibigay umano ang pera sa police regional commanders at provincial commanders at ang mga ito naman ang nagbibigay sa grupo o mga indibidwal na nakapatay ng drug pushers.

Pero sabi ni Espenido, sa kanyang pamumuno, ini­wasan umano niyang walang mapatay na drug suspects. Wala raw napatay sa Albuera at Bacolod noong siya ang hepe roon. Kumakatok umano sila sa mga pintuan ng bahay na pinaghihinalaang tulak ng droga.

Hindi kathang isip lamang ang sinasabing quota­ at reward system na ipinatupad ng PNP noon na pina­mumunuan ni Ronald “Bato” dela Rosa na ngayon ay senador. Maliwanag ang sinabi ni Espenido. At kaya ma­raming napatay ay dahil sa kagustuhang makaabot sa quota at makatanggap ng pabuya na P20,000 sa bawat mapapatay na drug pusher.

Binigyan ng lisensiya ang mga pulis para mag­hanap ng drug pushers na inabuso naman. Hindi na iginalang ang karapatan at pawang pag-aresto at pagpatay ang isinagawa para makakuha ng pabuya.

Daming pulis ang nakulapulan ng dugo sa kamay sapagkat maraming inosenteng kabataan ang nada­may. Kabilang sa mga naging biktima ng madugong war on drugs ng Duterte administration ay sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga pulis sa Caloocan City at saka walang awang binaril habang nakaluhod at nagmamakaawa. Si Arnaiz ay tinaniman ng droga saka pinatay. Si Kulot ay sinunog at natagpuan ang bangkay sa Nueva Ecija.

Nararapat lang magkaroon ng imbestigasyon sa nang­yaring drug campaign at panagutin ang mga nagkasala.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with