^

Bansa

Quiboloy nagtatago sa ilalim ng lupa - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Quiboloy nagtatago sa ilalim ng lupa - PNP
Photo shows Kingdom of Jesus Christ church founder Apollo Quiboloy.
Pastor Apollo Quiboloy Facebook Page

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na nagtatago sa ilalim ng lupa si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang sinabi ni Police Regional Office 11 Director PBGen. Nicolas Torre III kasunod ng ginawang pagsalakay at paghahalughog sa 30 ektarya ng compound ng KOJC.

Ayon kay Torre, sa lawak ng compound ng KOJC hindi malayong may ‘secret tunnel’ ito para sa kanilang seguridad.

“Nagagawa niyang lumipat, ngunit may posibilidad na ito ay isang lokasyon sa ilalim ng lupa,” ani Torre.

Sa kabila ng 24 oras na paghahanap sa KOJC compound, bigo pa rin ang mga pulis na mahanap si  Quiboloy.

Ani Torre, mananatiling nakaantabay sa lugar ang mga pulis at nagtrabaho ng shifting sa paghahanap.

Dagdag pa ni Torre, malaking hamon sa mga search team ang lawak at mga indibiduwal na nasa KOJC Compound.

Aaraw-arawin nila ang paghahanap lalo pa’t naaral na nila ang layout ng lugar. Nasa 1/4 pa lamang ng lugar ang nasuyod ng mga pulis.

Aabot sa 2,000 pulis ang itinalaga simula Sabado ng umaga para halughugin ang compound at tugisin si Quiboloy.

Inalerto na rin ni Torre ang kanya mga tauhan laban impormasyon na planong tulungan ng mga miyembro ng KOJC si Quiboloy para makatakas sa compound.

Samantala, nilinaw naman ni PNP Public Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo na ang pagsalakay ay hindi tungkol sa isang sekta o simbahan at hindi ito pagsikil sa kanilang religious freedom.

Nais lamang nilang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng korte laban kay Quiboloy. Hindi aniya matatawaran ang suporta at proteksiyon na binibigay kay Quiboloy ng kanyang mga taga suporta.

Panawagan ni Fajardo kay Quiboloy “spare your supporters, spare them of the emotional heartaches”.

vuukle comment

KOJC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with