^

Bansa

Alice Guo, nagpapakanlong sa ‘Golden Triangle’ syndicate para iwas aresto

Angie dela Cruz, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Alice Guo, nagpapakanlong sa �Golden Triangle� syndicate para iwas aresto
Sen. Risa Hontiveros resumes the probe on Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo’s alleged involvement in illegal Philippine offshore gaming operations on May 22, 2024.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sinubukan umano nang napatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na pumunta sa “Gol­den Triangle” para takasan ang paghuli sa kanya ng mga otoridad ilang araw makaraang maaresto ang kanyang kapatid at isa pang kasama sa Indonesia.

Ito ang sinabi ni Winston Casio, spokesperson ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), kaugnay nang ginagawang pagsubaybay sa kilos ni Guo.

“We are confident that she is trying to get into the Golden Triangle. The Guo family has business interests in Cambodia,” sabi ni Casio.

Ang “Golden Triangle” ay isa umanong crime-infes­ted areas sa Cambodia, Myanmar at Laos na kontrolado ng mga sindikato at triads.

“They are part of a big criminal organization, ‘yung Fujian Gang kung saan kabilang ang mga Guo ay kabahagi ng Golden Triangle triad,” sabi ni Casio.

Paliwanag pa ni Casio, hindi maaaring magtungo sa China si Guo dahil person of interest na rin siya doon dahil sa mga akusasyon ng illegal gambling sa kanya dito sa Pilipinas.

Masyado aniyang mahigpit ang China kaugnay sa usaping gambling sa kanilang teritoryo kaya tiyak na hindi ito papasok doon.

Si Alice Guo ay huling nakita sa Pilipinas noong Hulyo 14 sa isang resort at dito siya nakita na sumakay ng speed boat.

Noong July 17 anya, umalis si Guo sa Bali, Indonesia puntang Kuala Lumpur at makaraan ang apat na araw ay nagpunta ito sa Singapore at dito ay pansamantala siyang tumigil ng halos isang buwan bago nagpunta sa Batam, isang industrial town at transportation hub sa Indonesia.

Nagtangka rin umano ang kapatid ni Alice Guo na si Wesley na umalis ng Batan at magtungo sa Hong Kong pero wala pang report kung ito ay nakara­ting na doon. Sa ngayon anya si Alice Guo ay nananatiling nasa Batam.

“Alice Guo will definitely not go to China. She is accused of a serious crime in relation to illegal gambling,” sabi ni Casio.

Anya, walang katiyakan ang mga otoridad ng Pilipinas kung mahahabol nito si Alice Guo oras na makarating ang huli sa Golden Triangle dahil sa magkakaibang batas sa usapin ng boundaries.

Anya hindi naman agad mahuhuli ng Philippine authorties si Alice Guo dahil wala pa namang naipalalabas na warrant of arrest laban dito at ang kaso na nakasampa laban dito ay nananatiling naka-pending sa Department of Justice.

Aminado rin ang opisyal na mahihirapan sila arestuhin si Guo sa Golden Triangle dahil mayroon pang giyera sa Myanmar ngayon.

vuukle comment

MAYOR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with