^

PSN Showbiz

KC, nag-expose ng tiyan!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
KC, nag-expose ng tiyan!
KC Concepcion
STAR/File

MANILA, Philippines — Natuwa ang fans ni KC Concepcion na makita siyang payat na at ang mga comment, lalong gaganahan si KC na magbawas pa ng unwanted weight. “Wow payat na siya,” “Getting back in shape,” Slaaaay,” “Love that ur getting back in shape,” “Looking good KC,” ang ilan sa mababasa.

Hindi na malaki ang kanyang mga braso at keri na niyang magsuot na naka-expose ang stomach at para ngang walang bilbil. Ang bilis kasi ng reels, hindi masyadong nakita ang stomach area niya, pero parang wala nga siyang bilbil.

Naalala ng fans nito ang minsang sinabi niya sa isang interview na kapag ginusto niyang pumayat, nagagawa niya. Sa sobrang tuwa ng kanyang fans, may nag-comment na sana i-guest siya ng ABS-CBN at ni Coco Martin sa Batang Quiapo. Maganda raw sanang comeback sa kanya kung maggi-guest siya sa nasabing series dahil marami ang nanonood nito.

Based sa post niya, nasa Paris pa rin si KC, enjoying life, kahit masasarap ang kinakain nito, wala nang takot ang kanyang fans na baka bumalik ang kanyang timbang.

Heart, nag-aaral ng Singlish!

Nasa Singapore si Heart Evangelista nang i-post ang book na “Singlish vs English” at may nag-isip agad na para sequel ng movie na Crazy Rich Asians ang libro.

Baka, nag-aaral daw ito ng Singapore English para nga sa sequel ng nabanggit na hit movie.

Na-excite ang fans niya at gusto nilang may magkumpirma kung tama ang kanilang hinala. Kaso, wala pa siyang reaction kung para saan ang binili niyang book. Baka naman, gusto lang niyang matutong magsalita ng Singlish lalo at madalas siya sa Singapore.

Samantala, nagulat na may kasamang tuwa ang fans niya nang malamang kaya pala niyang gumamit ng salitang “ulol.” Pinost nito ang photo niya na kuha ng asawang si Sen. Chiz Escudero at isa sa mga nag-comment ang sister niyang si Camille Ongpauco na ang sabi, “Ganda naman ng Ate ko.” Sagot ni Heart, “Hahaha ulol” na ikinagulat ng kanyang fans.

Gusto nilang marinig na nagsasalita ng “ulol” si Heart para mas ma-feel kung paano raw nito sabihin ang word na ‘yun. Baka raw iba ang bigkas ng mayayaman at sosyal sa salitang ‘yun.

Kylie, may patama sa ama!

Extended hanggang December 2024 ang Asawa ng Asawa Ko at umaasa ang fans ni Kylie Padilla na hindi muna maaalis o papatayin ang karakter niyang si Hannah. Nakakatulong daw ang karakter ng aktres para mas lumalim pa ang conflict ng story ng hit primetime series na konek-konek ang mga karakter dahil sa kanilang mga asawa na asawa ng ibang karakter.

Saka, maganda raw panoorin si Kylie na hindi all out bida ang role. May pagka-kontrabida si Hannah, rason para hindi muna magkaroon ng happy ending sina Cristy (Jasmine Curtis-Smith) at Leon (Joem Bascon).

Gusto rin ng kanyang fans ang karakter at role ni Kylie sa series dahil nagagamit nito ang pagka-action star. Wala pa ring kupas ang husay ng aktres sa mga action scenes, malakas pa rin siyang sumipa at on point ang makipaglaban.

Anyway, wala pang nakakapag-interview sa kanya para alamin kung para kanino ang ni-repost niyang ““No” is a full sentence.” Kainitan kasi ng isyu sa dad niyang si Senator Robin Padilla tungkol sa marital rape at sexual harassment nang i-repost ito ni Kylie, kaya gustong malaman kung comment niya ito sa dad niya.

In fact, pinuri siya kung tama ang netizens na reaction niya ito sa ama at sana raw, makarating kay Robin ang pangse-shade ni Kylie sa kanya.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with