^

Probinsiya

Dahil sa inggit sa pamilya na buo...10-anyos student, 22-beses sinaksak ng babaeng 18-anyos!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa inggit sa pamilya na buo...10-anyos student, 22-beses sinaksak ng babaeng 18-anyos!
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Police, alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang krimen sa Adhika St., Brgy. Dolores.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang 10-taong gulang na batang lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng 22-ulit ng isang 18-anyos na babae habang naglalakad pauwi sa kanilang tahanan mula sa paaralan, sa Taytay, Rizal kama­kalawa.

Tinukoy ni Lt. Col. Gaylord Pagala, hepe ng Taytay Municipal Police na si alyas “Archie”, Grade 5 student ng Dolores Elementary School at residente ng Brgy. Dolores, Taytay, Rizal. Siya ay kasalukuyang inoobserbahan sa Rizal Provincial Hospital System dahil sa 22 tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Arestado naman ang suspek na si alyas “Michaela”, 18-anyos, umano’y drug user at kapitbahay ng biktima. 

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Police, alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang krimen sa Adhika St., Brgy. Dolores.

Kalalabas lamang ng paaralan ng biktima at naglalakad na pauwi sa kanilang tahanan nang bigla na lang siyang harangin ni Michaela, na nag-aabang sa lugar at kaagad na pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang walang kadahilanan.

Nang mabuwal na ang bata sa sementa-

dong kalsada ay dinaganan pa ng suspek ang braso ng biktima, sanhi upang mabali ito, at saka ipinagpatuloy ang pagsaksak sa kanya.

Nakita naman ng ilang testigo ang insidente kaya’t inawat nila si Michaela at agad silang humingi ng tulong sa mga barangay tanod na rumesponde sa lugar at inaresto ang suspek, saka ipinaaresto sa mga awtoridad.

Mismong ang ina ng biktima ang kaagad na kumarga sa anak at mabilis itong isinugod sa pagamutan upang malapatan ng kaukulang lunas.

Ayon sa pulisya, parang wala sa sarili ang suspek habang kanilang iniimbestigahan dahil paiba-iba at hindi klaro ang mga pahayag nito sa imbestigasyon.

Inggit umano ang isa sa motibo sa krimen na tinitingnan ngayon ng pulisya dahil maaga umanong naulila at nawalan ng mga magulang ang suspek.

Lumalabas na sobrang naiinggit at nagseselos ang suspek sa mga “buo ang pamilya”.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong frustrated murder na may kaugnayan sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa piskalya.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with