^

Probinsiya

BJMP officer, contractor sabay dinale ng ‘Basag Kotse Gang’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Magkasabay na nabiktima ng “Basag-Kotse Gang” ang isang jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at isang contractor na kapwa nag-park ng kanilang sasakyan sa Aguinaldo Highway, Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, ka­makalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng gabi nang mabiktima ng dalawang miyembro ng Basag Kotse Gang ang mga biktimang sina Gonie Mesinas III, 27-anyos, BJMP jail officer, residente ng Via Verde Village, Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, at may-ari ng Mitsubishi Mirage (NBW8538) at ang contractor na si Jerick Padagdag, 37, ng Brgy Victoria Reyes Dasmariñas City na may ari naman ng Nissan Navarra (NIP 1883).

Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasunod na nag-park ang mga biktima sa Aguinaldo Highway, Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, Cavite.

Si Padagdag ay nagtungo sa nasabing lugar para kumain sa isang establisiyemento roon habang si Mesinas ay nagtungo sa isang Spa sa nasabi ring gusali.

Pagbalik umano ng mga biktima sa kanilang mga sasakyan ay dito na nila nadiskubre na kapwa basag ang mga bintana sa driver’s seat ng kanilang sasakyan at wala na ang kanilang iniwang mga gamit sa loob nito. 

Natangay sa contractor ang isang Glock 19 Gen 5 9mm pistol na may serial number AFDE567 at iba’t ibang uri ng cards habang natangay sa jail officer ang kaniyang Glock 17 pistol na may serial number ADKN507, 4 na magazine ng cal 9mm at 60 rounds ng mga bala. 

 Sa nakalap na CCTV footage ng pulisya sa lugar, nakita ang dalawang lalaking may kagagawan sa insidente. Nakasuot ng gray na long sleeves, itim na sumbrero at jogging pants ang isang suspek habang ang kasama ay naka-asul na long sleeves at short pants. Sakay ang mga suspek ng isang motorsiklo na ginamit din nilang get away vehicle.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with