^

Pang Movies

Pokwang, nakisawsaw!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pokwang, nakisawsaw!
Pokwang
STAR/ File

Umani ng batikos ang ipinost ng actress-comedienne na si Pokwang na joke tungkol sa atleta.

Kumalat ang screenshot ng post nito na joke kung saan sinabi nitong “Ano ang tawag sa jowa ng athlete na laging naka sunod?

“Ano???

“edi athlete’s foot!!!

“ngee… ache che…”

Pero hindi natuwa ang netizens sa post niyang ito binalik sa kanya ang joke.

Corny at shady raw masyado ang joke niya. Tila nakikisawsaw daw ito sa isyu nina Carlos Yulo at girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Ibinalik sa kanya ng netizens ang joke niya at inalala ang pagiging bitter niya sa ex na si Lee O’Brian.

Of all people nga raw dapat siya pa ang nakakaintindi sa sitwasyon ng magkarelasyon dahil naranasan din niya na may opinion ang mga tao tungkol sa buhay niya.

Nakikisawsaw daw ito pero ‘pag ang ibang tao ang nakikisawsaw sa buhay niya ay nagagalit siya.

May tumawag pa sa kanyang ipokrita dahil sa ginawa niya.

Mukhang naka-move on na raw ang nanay ni Malia sa ex dahil hindi na ex ang topic niya at sign na raw ba ito ng healing. Bagama’t mukhang hindi pa raw talaga ito nakaka-move on dahil tuloy pa rin ang pagsagot niya ‘pag ang ex ang topic na sa latest post niya ay ‘di pa rin talaga niya mapigilang magkomento.

Pero mapapansing burado na ang joke niya kaya may nagkomento sa kanyang account kung totoo nga bang siya ang nag-post ng kumakalat na shady joke.

vuukle comment

ATLETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with