^

Pang Movies

Caloy, may nakaraan sa Eat Bulaga

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

As expected mas visible si Carlos Yulo sa Kapatid Network/TV5. Nakita naman ninyo, pagdating na pagdating pa lamang niya sa bansa ay naging guest na agad siya sa longest running noontime show in the world today, ang Eat Bulaga.

At saka natural iyon dahil ang chairman of the board ng Kapatid Network ay isa sa pinakamalaking supporter ng gymnastics at ni Carlos Yulo, si Mr. Manny Pangilinan.

Hindi pa man siya nananalo ng gold, nagpapagawa na si Mr. Manny Pangilinan ng MVPSF Gymnastics Center sa Intramuros para magkaroon ng isang lugar kung saan makapagsasanay ang mga gymnast at mayroon na silang kumpletong equipment sa pagsasanay.

Inaamin nga ni Caloy, hindi malakas ang nakukuhang suporta ng gymnastics sa Pilipinas dahil hindi nga iyon isang spectator sports. Ngayon nga lang napansin dahil sa kanya at salamat naman sa mga kagaya ni Mr. Manny Pangilinan na nakasuporta sa nasabing sports.

Sa Eat Bulaga naman gulat na gulat ang batang nag-aambisyon ding maging gymnast na si Jezzy James, dahil hindi lamang binigyang katuparan ng Eat Bulaga na magkaroon siya ng bagong leotards, binigyan pa ng pera. Hindi napigilan ni Jezzy na maluha nang makita si Carlos. Hindi rin nakapagpigil ang mga Dabarkads pati na si Maine Mendoza na makipag-selfie sa two time gold medalist sa Olympics.

Tapos nagkagulatan pa pati ang TVJ nang malaman nila na noong nine years old lang si Carlos ay sumali na pala siya sa Eat Bulaga, pero hindi siya nakalusot noon dahil inaamin naman niya na “hindi rin kasi ganoon kaganda ang performance ko.” Pero nagbiro pa nga si Tito Sen, “sino iyong nag-audition sa iyo noon?” Na para bang sinasabi na hindi ba niya nakita ang potentials mo?

Magiging guest pa raw si Carlos sa marami pang shows ng TV5 kaya abangan na lang ninyo.

Psychologist ni Sandro, kontra sa pagdalo nito sa Senado

Binibigyan ng lakas ng loob ni Niño Muhlach ang anak na si Sandro upang humarap na sa pagdinig ng senado lalo na’t tila naniniwala ang mga senador sa kanyang kuwento.

Inamin din naman ni Senador Jinggoy Estrada na sa ginanap nilang executive session, kabilang sina Senador Bato dela Rosa at Grace Poe, lahat sila ay naniniwalang may sapat na dahilan para magsampa ng kasong criminal sa korte si Sandro.

Maging sa naging public hearing hindi nakakuha ng simpatiya ang dalawang suspect na tila nagbasa lamang ng isang nakahandang script sa halip na maglahad ng kanilang bersiyon ng istorya.

Sa susunod na hearing, gusto ng mga senador na humarap na si Sandro bagama’t laban ang kanyang psychologists doon dahil baka raw hindi pa kaya noong bata dahil matindi talaga ang trauma, pero depende pa rin daw sa desisyon ng kanyang mga magulang.

Samantala, nagsabi naman si Atty. Lourdes Kapunan na kinumbida siya ng senado bilang resource person, na napakahirap nga raw ng sitwasyon ng mga biktima ng sexual harassment. Si Kapunan ang abogado ni Gretchen Fullido sa kasong iniharap niya laban sa dati nilang news producer sa ABS-CBN.

Pero ba’t kaya parang sunud-sunod ang reklamo laban sa GMA Network? Isang talent naman ang nag­reklamo na hanggang ngayon daw ay hindi pa siya binabayaran ng talent fee sa isang show na ginawa niya mahigit na dalawang taon na ang nakararaan.

Bukas ang pahinang sa anumang nais nilang ipaliwanag.

Male starlet, ‘di makareklamo sa pambabalahura ng maimpluwensyang bading

Aminado ang isang male starlet na siya man ay para na ring na-rape. Hindi naman daw niya akalain na ganoon ang gagawin sa kanya ng isang showbiz gay. Inaamin niya. “pinasok” siya ng showbiz gay sa hindi naman dapat pasukan, at ininda raw niya ang sakit ng ilang araw din. Pero inamin ng starlet na hindi raw siya nagreklamo dahil “nagkasundo naman sila at binayaran siya nang tama batay sa kasunduan nila,” nagulat lang siya dahil hindi niya alam na aabot sa ganoon ang gagawin sa kanya.

Hindi rin daw siya makapalag dahil baka lalo lamang lumaki ang gulo at malagay siya sa kahihiyan, dahil ang lahat daw ng nangyari sa kanila ay kinunan pa ng video ng bading. Takot siyang kung pumalag pa siya, baka kumalat pa ang video nila.

Kung iisipin kasalanan din naman niya, gusto niya ng easy money eh.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with