FULL TEXT: Iglesia ni Cristo's official statement on controversial video
MANILA, Philippines - Iglesia ni Cristo (INC) on Thursday denied the claims of Tenny and Angel Manalo, mother and brother of executive minister Eduardo Manalo, that a number of their ministers have been abducted.
In the said video, Tenny and Angel also claimed that their lives were in danger.
INC denied these claims and alleged the two Manalos that they were only trying to gain sympathy to get in power.
'Yong lumabas sa YouTube kagabi na pahayag ni Angel Manalo at ng kanilang ina na nananawagan sa mga kaanib sa Iglesia para sila ay tulungan dahil diumano ay nanganganib ang kanilang buhay at meron pang alegasyon na meron pang mga dinukot na ministro na wari'y ibig na palabasing may kinalaman din ang Iglesia ay wala pong katotohanan. Hindi po totoo 'yon.
Ang Iglesia ay 101 taon na sa Lunes at dumaan na rin ito sa napakaraming mga pag-uusig, panggigipit at maraming mga pagsubok subalit ang tanging pinanghawakan at inasahan ng Iglesia ay ang mga aral ng Diyos na sinasampalatayaan nito na nakasulat sa bibliya at 'yong tulong at patnubay ng ating Panginoong Diyos. Ang kasalukuyang pamamahala ng Iglesia sa pangunguna ng kapatid na Eduardo Manalo ay namamalaging nanghahawak sa patakarang yan. Hindi humihiwalay sa mga aral ng Diyos na itinuro ng nagsimulang mangaral nito sa Pilipinas ang kapatid na Felix Manalo.
Ang basa namin doon sa ipinahayag nila sa YouTube ay ibig lamang nilang makakuha ng mga tao na magsisimpatya sa kanila para nang sa ganun ay makuha nila yung talagang gusto nila ma mapakialaman ang pamamahala sa Iglesia. Dapat malaman ng lahat na ang Iglesia ay hindi isang korporasyon na pampamilya. Ito ay isang relihiyon na ang sinusunod ay ang mga patakaran at mga aral ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.
Hindi po makapapayag ang kapatid na Eduardo Manalo, ang kasalukuyang tagapamahalang pangkalahatan na ang Iglesia ay guluhin ng sinumang tao. Kaya doon sa ginawa nila na 'yon kagabi na maliwanag namang ang layon ay makalikha ng mga pagkakabaha-bahagi ay hindi maiiwasan na ipatupad sa kanila 'yong mga tuntunin at patakaran ng Iglesia na ipinatutupad ng tagapamahalang pangkalahatan sa lahat ng mga kaanib sa Iglesia.
Kaya masakit man sa loob ng kapatid na Eduardo Manalo ay ipinasya nila na itiwalag 'yong mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi sa Iglesia. Kaya sa mga pagsambang isasagawa ng Iglesia ni Cristo simula sa araw na ito ay ipaaalam 'yon sa lahat ng kapatid iyong pasyang 'yon ng tagapamahalang pangkalahatan.
- Latest
- Trending