^

Headlines

'Chop-Chop Queen (?)'

Tony Calvento - The Philippine Star

(Ikalawang Bahagi)

NOONG BIYERNES naisulat ko kung paano nalansi si Rudy Sanguyo ng inakala niyang pinsang si Gloria Sanguyo. Buong tiwalang ibinahagi sa amin ni Rudy ang kanyang sinapit magmula ng siya ay imbitahin para sa isang imbestigasyon.

‘Imbitasyon’ na mahirap tanggihan dahil puro me baril ang mga tauhan nitong si Supt. Audie Madrideo ng Anti-Carnapping ng PNP Bicutan sa pamumuno ni Regional Police Intelligence Unit, AOCD-RPION P/Supt. Audie Madrideo.

Lumalabas na kaibigan pala nitong si Supt. Madri­ deo itong si Ramos kaya naman siya mismo sumama sa LTO Main.

Kinausap namin itong si Supt. Audie Madrideo. Tinanong namin sa kanya kung inaaresto nila itong si Rudy. Ipinaliwanag naman ni Supt. Madrideo na may rekla­mong inihain si Edwin at ‘routine investigation’ lang umano.

BIYERNES na ng hapon, malapit ng mag-alas singko... Ang pangamba ni Rudy at ng kanyang kapatid y sa Bicutan sila matutulog hanggang Lunes dahil hindi makontak itong si pinsan Glo.

Upang maging maayos ang lahat, nakipagkasundo si Rudy kay Edwin. Humiling siya ng palugit na dalawang linggo upang maibalik ang pera.

Ginawa ni Rudy na ‘collateral’ ang OR/CR (official registration/certificate of registration) ng kanyang Fortuner. Kung sakaling hindi niya maibalik ang pera, maaring kunin ni Edwin ang Fortuner. Pero kinakailangan pa niyang magdagdag ng isang daang at limampung libong piso (Php 150, 000).

Nagpunta sa aming tanggapan sina Rudy at Orly Sanguyo at pinakilos namin ang ‘investigative team’ ng “CALVENTO FILES”.

Nakipag-ugnayan din kami kay Provincial Commander Erson Digal ng Cebu.

Ang kapal ng mga papeles na ipinadala niya sa aming tanggapan kaugnay sa Starex Van.

Kitang-kita na sa umpisa pa lamang itong si Gloria Sanguyo ay may balak talagang manloko ng tao. Inirehistro niya ito sa pangalang ‘Gloria Sanguto’.

Meron din naman kaming nakita na papeles na magpapatunay na hindi bago ang van gaya ng sinabi umano niya kina Rudy at ito ay isang ‘chop chop vehicle’ dahil may ‘joint affidavit’ itong si Gloria at isang mekaniko na nagngangalang Leo Adolfo.

Humihingi sila ng pahintulot na mag-assemble ng sasakyan at palitan ang makina.

Para sa patas na pamamahayag ay sinubukan naming kunin ang panig ni Gloria. Hindi namin siya makontak sa mobile phone niya at kung sasagutin niya pinapatay niya ito.

Nagpadala rin kami ng liham na ‘special deliver ng LBC’ subalit hindi rin sumagot itong babaeng ito. Kung hindi ‘busy’ ang kanyang telepono, nakapatay naman ito. Pina­dalhan din namin siya ng sulat.

Kinausap namin si dating Asec at Head ng Land Transportation Office na si Dir. Reynaldo Berroya na parati umanong ni-ne-name drop nitong si Gloria at tahasang sinabi nito na hindi niya kilala ang babaeng ito. Hindi raw empleyado ng LTO yan.

Kinausap din namin si Dir. Nestorio Gualberto at inamin niyang nakikita niya itong si Gloria na umaaligid-aligid yan sa LTO offices at naghahanap ng pagka­kakitaan.

Samantala, isinauli ni Rudy ang pera ni Edwin. Nakuha niyang muli ang Starex van. Napansin nito na may tagas ang sasakyan.

“Natamaan kasi iyan habang nakaparada,” paliwanag ni Edwin.

Ipinaayos ni Edwin ang sasakyan na inamin din naman nito na baka nagamit ng mga element ng Ancar. Nalaman pati ang mga ilalim ay hindi orihinal kasi ng palitan ang ‘rack and pinion’  luma na ito. Anong tawag sa sasakyan na ganito? Hindi ba’t Chop-chop ito? Si Gloria na nag-aasemble niyan, hindi kaya’t miembro ito ng sindikato na gumagawa ng ganitong trabaho? Maari siguro dahil ni magpakita o tumawag sa amin ayaw. Baka guilty!

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa puntong ito malinaw na ang mga piyesa ay galing sa baklas mula sa ibang Starex van. Ginawang modelo pero luma talaga para mas malaki ang presyo. Paano naman kung ito’y galing sa mga carnapped vehicle gaya ng makina. Maari ding mga makinang parating galing Korea na hindi nagbayad ng tamang buwis at ipinalusot lamang.

Segurado kong may koneksyon itong si Gloria sa mga tauhan d’yan sa LTO main kaya narehistro yan.

Nakahanda na ang mga kasong ESTAFA o Violation of Article 315-B laban kay Gloria Sanguyo at Falsification of Public Documents of Violation of Art. 172.

Ayaw sanang gawin ito ni Rudy sa isang taong inakala, tinanggap at itinuring na pinsan subalit ano naman ang isinukli sa kanila? Muntik na nga silang matulog magkapatid sa Bicutan dahil sa katarantaduhan nitong taong ito!

Minsan pa tinatawagan ka namin ng pansin “Gloria Sanguyo aka Sanguto” para marinig ang iyong panig.

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang direct line namin ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12NN. Pwede kayo tumawag sa aming 24/7 hotline sa numerong 7104038.

*  *  *

Email address: [email protected]

AUDIE MADRIDEO

EDWIN

GLORIA

GLORIA SANGUYO

LSQUO

RUDY

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with