Maraming trabaho sa ASEAN
MAGANDANG balita ang sinabi ni dating Senador Ernesto Herrera na magkakaroon daw ng maraming bagong trabaho para sa mga overseas Filipino workers (OFW) dahil sa nilagdaan kailan lang na "ASEAN accord". Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay isang regional association ng mga bansa sa parteng ito ng mundo, na kung saan ang Pilipinas ay isa sa original members.
Sa aking pananaw, matagal na dapat nagkaroon ng ganitong "accord" dahil mas maganda naman talagang magkaroon ng "multilateral agreement" sa ibang mga bansa na dagdag pa sa mga "bilateral agreements" natin sa kanila. Ang masasabi ko pa riyan, dapat mayroon pa tayong iba pang "multilateral agreements" hindi lang sa labor ngunit dapat kasama na rin ang environment, health at education, mga iilan lamang na halimbawa.
Ang isa ko pang panukala, dapat nga ay mayroon na tayong "standing agreement" sa mga ASEAN countries na payagan nilang sumakay sa kahit anong eroplano na pag-aari ng mga ASEAN member countries kung mayroong emergency evacuation, katulad ng nangyari kailan lang sa Lebanon.
Sa larangan naman ng environment, maganda rin kung mayroon tayong cooperation sa ASEAN at nagamit na sana natin ito sa mga nangyayaring oil spill ngayon sa Guimaras at sa Subic. Hindi naman sa hindi natin kayang kumilos na tayo lang, ngunit mas maganda rin naman na may cooperation ang mga magka-kapitbahay na mga bansa.
Ang isa pang advantage ng ASEAN labor accord, mas madaling lapitan ang ating mga kapitbahay at mas madali ring puntahan at tulungan ang ating mga OFW dahil nga sa malalapit ang mga ito. Bilang isang dating Ambassador, bukas ang aking pintuan sa pagtulong sa anumang gawaing magpaparami ng trabaho sa pamamagitan ng diplomacy.
|
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. E-mail [email protected], text 09187903513, visit my website www.royseneres.com call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.
- Latest
- Trending