^

Headlines

May edad na aktres, may karelasyong DI

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Mahilig sa ballroom dancing ang may-edad na sosyalerang celebrity na ito. At kapag nagpupunta siya sa ballroom ay pinagkakaguluhan siya ng mga DI dahil galante ito at maganda pang mag-regalo. May nataypan siyang guwapo at batang DI na kinaiinggitan ng kanyang mga kasamahan dahil bukod sa magandang magbayad ang celebrity ay nireregaluhan pa rin niya ito ng mamahaling alahas. Kaya may nagpapalagay na baka may namumuong relasyon sa dalawa dahil hindi siya pahahalagahan ng madatung na celebrity kung hanggang pasayaw-sayaw lang sila. Konektado din sa radyo at TV ang galanteng celebrity.

Bongga Kung Mag-Shopping

Ang gaganda ng mga damit na isinusuot ni Angelika dela Cruz sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Parang hindi ko ito nakikita kahit sa mamahaling boutique dito sa Maynila. Tinanong ko si Daddy Ernie (ama ng aktres) kung saan niya ito binili. Napag-alaman ko na dala pala ito ng magandang aktres mula sa Japan na nag-shopping doon courtesy ng tatay-tatayang super rich na Hapones. Ito yong pangalawang asawa ng kanyang ina pero hiwalay na sila ngayon. Maganda pa rin ang samahan ng kanyang mommy at ex-hubby nito kaya everytime na may show sa Japan si Angelika ay asikasong-asikaso sila nito kasama na ang bonggang pagsa-shopping.

May nakapagbalita nga sa akin na sa lahat ng artistang nagtutungo o nagtungo ng Japan ay tanging si Angelika lang ang may pinakamaraming nabibili at hindi alintana kung gaano kamahal ng mga bilihin doon dahil sagot ito ng madatung na Japanese businessman.

Kuntento na ang aktres sa magandang takbo ng kanyang career dahil kumita rin nang husto sa takilya ang S2pid Luv after Hari ng Selda. Kumusta naman ang kanyang lovelife? Balita kasi na bumalik na naman sa kanya si Miko Sotto, ang rumored bf nito matapos ipalabas ang movie nila ni Robin Padilla. Ano ang reaksyon dito ni Angelika? ‘‘Tita, wala namang naiba sa pagiging magkaibigan namin ni Miko kahit nakapareha ko si Robin. Magkakabarkada pa rin kami at wala naman kaming relasyon. Saka paano naman kami magkakabalikan gayung hindi naman kami naging magnobyo?’’

Iri-Release Na!

Excited na ang mga guwapong miyembro ng Freshmen Band dahil iri-release na ang kanilang debut album kundi man sa katapusan ng April ay baka sa sa unang linggo ng Mayo. Bongga ang gagawing promosyon ng Star Records lalo na sa telebisyon dahil marami na rin silang followers na tumitili kapag napapanood sila sa mga shows. Ang kanilang song na "Trip" ay nanalo na sa Star Awards. Ang mga miyembro ng Freshmen Band ay sina Trician Andres, Daziel Ledda, Walton ‘‘Wally’’ Zerrudo, Roel Aldana, Edward dela Cruz at Jerome Raymundo.

Nainterbyu ko nga si Roel at tinanong ko kung paano sila hina-handle ng kanilang manager lalo na pagdating sa disiplina. ‘‘Tita, mabait si Daddy Ernie at para kaming anak niya. Gumigising kami ng alas-singko y media araw-araw at nagda-dyogging kaming lahat. After breakfast ay magpapahinga na kami for the rehearsal of the band na tumatagal hanggang alas-dos ng hapon dahil dalawa pang banda ang magri-rehearse. May bonding na kami ng Freshmen at maraming bawal sa amin like bawal manigarilyo, uminom ng alak at may curfew kami para magising nang maaga kinabukasan.

Magkakasama kaming lahat sa isang bahay at malaki ang natutunan namin pagdating sa disiplina kahit malayo kami sa aming pamilya. Pero pag may time dumadalaw kami sa kanila. Natutuwa nga ang aming mga magulang kapag napapanood kami sa TV o kapag may shows. We’re happy na maalaga sa amin si Daddy Ernie at itinuturing kaming kapamilya nila. Wala kaming inggitan o selosan sa isa’t isa. Bawal muna ang pagkakaroon ng serious commitment dahil naka-concentrate kami sa aming career,’’ sey nito.

Dahil sa puro guwapo ang lahat ng miyembro ay nakakatanggap na sila ng movie offer pero prioridad pa rin nila ang banda.

Tumutugtog ang Freshmen Band sa JoeKher, Padi’s Point gayundin sa Baguio.

Mystica, Nang-Aagaw Ng Eksena

Napapanood namin si Mystica sa Ikaw Lang Ang Mamahalin at magaling din itong umarte. Katunayan ay nang-aagaw siya ng eksena dahil sa kanyang kasuotan na matitingkad ang kulay halos lumuwa na ang dibdib sa kaseksihan. Umaasa nga siya na sana’y pahabain pa ang kanyang role sa ILAM.

Dahil sa magandang exposure sa TV ay kinuha na rin si Mystica ng Dos gaya ng Kakasa Ka Ba? Propesyonal ang seksing singer at kahit malayo ang location ay hindi ininda ang layo ng lalakarin dahil isa itong liblib na bukirin. May eksenang 150 ipis na pagagapangin sa kanyang katawan. Takot pa naman siya sa ipis pero tiniis niya ito at nang matapos ang eksena ay saka lang siya napaiyak dahil sa nerbiyos.

vuukle comment

ANGELIKA

DADDY ERNIE

DAHIL

FRESHMEN BAND

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

KAMI

KANYANG

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with