^

PM Sports

Gin King-Tropang Giga unahan sa 1-0 lead

John Bryan Ulanday - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Maghahalo na ang balat sa tinalupan sa pagitan ng magkaribal na Talk ‘N Text at Barangay Ginebra sa inabaangang Game 1 ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup finals ngayon sa Mall of Asia Arena.

Kukulo ang giyera sa alas-7:30 ng gabi tampok ang krusyal na unang panalo upang madikta ang magiging kuwento ng dikdikang best-of-seven finals series.

Ito na ang ikalawang sunod at ikatlo simula noong nakaraang taon na paghaharap ng Tropang Giga at Gin Kings sa finals subalit aminado ang dalawang kampo na ibang-iba ito mula sa una nilang mga tapatan.

Kung buong puwersa ngayon ang Ginebra dagdag pa ang mga nagbabalik na alas na sina Jamie Malonzo at Jeremiah Gray pati ang pagdating ni Troy Rosario, pilay naman ang TNT dahil sa season-en­ding knee injury ni Finals MVP Troy Rosario.

At iyon ang isa sa iindahin ng Tropang Giga, ayon kay coach Chot Reyes, kahit pa naka-da­lawang sunod na sila kay Justin Brownlee at Gin Kings sa pangunguna ng Best Import na si Rondae Hollis-Jefferson.

“It’s really a tall order for us,” ani Reyes papasok sa kanyang ika-8 duwelo sa matalik na kaibigan at karibal na si Tim Cone.

“But these are the challenges that make any competition worthwhile. When you’re faced with very tall odds and still, you find ways to at least compete and give yourself a chance. And I think that is our mentality going into this series.”

Sa panig ng Gin Kings na tumaob sa Tropang Giga, 2-4, noong nakaraang Governors’ Cup finals, umaasa sila na maiiba ang resulta ngayon sa tulong ng pinalakas na puwersa.

“Well, I think we’re coming into this series with a lot more depth than we had in the last time we played them,” ani Cone bagama’t wala pang kasi­guruhan kung makakalaro na agad si Rosario dahil sa ankle injury.

Bukod sa mga pambatong imports at bagong alas, bibida sa laban sina Scottie Thompson, RJ Abarrientos, Japeth Aguilar at Maverick Ahanmisi ng Ginebra kontra kina Calvin Oftana, Rey Nambatac, Roger Pogoy, Poy Erram, at Kelly Williams ng Tropang Giga.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with