Three-peat vs Redemption
Dapa ang Barangay Ginebra sa TNT Tropang Giga sa kanilang huling dalawang title collisions.
Sisikad na ang Ginebra-TNT Last Dance III ngayong gabi sa MOA Arena, at syempre target ng Tropa ang three-peat, samantalang redemption ang habol ng Gin Kings.
Ang mabigat na rivalry pa rin nina Rondae Hollis-Jefferson at Justin Brownlee ang primerang putahe ng Ginebra-TNT clash.
Pero may malaking pagbabago sa mga sahog o sa local backups.
Malaking butas ang kailangan tapalan ng Tropa dahil sa pagkawala ni Jayson Castro.
Sa kabilang banda, lumalim ang rotation ni coach Tim Cone sa pagbabalik ni Jamie Malonzo at Jeremiah Gray at ang karagdagan ni free agent recruit Troy Rosario.
Ma-mi-miss ng Tropa ang leadership, court smarts at all-around brilliance ni Castro.
Ma-e-enjoy naman ng Gin Kings ang dagdag na firepower mula kay Malonzo at Gray plus height at defensive muscle mula kay Rosario.
Dahil sa mga bagay na ito, masusubok ngayon ang galing ni coach Chot Reyes at ng kanyang koponan mag-adapt sa sitwasyon, mag-adjust at mag-react.
Ang sigurado, magandang salpukan pa rin ito.
- Latest