^

Pang Movies

Ka Tunying, naiisip nang magretiro

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ka Tunying, naiisip nang magretiro

Si Nay Lolit Solis ang naalala ko sa Taberna Group of Companies (TGC) na nagsimula sa isang hakbang.

Paboritong-paborito niya ang champorado ng Ka Tunying’s.

Anyway, para nga kina Anthony “Ka Tunying” Taberna at Rossel “Mrs. T” Taberna, nagsimula ang kanilang paglalakbay nang pasukin nila ang pagnenegosyo bilang unang henerasyon sa kani-kanilang pamilya na nagtayo ng sariling negosyo.

Makalipas ang mahigit isang dekada, ang unang hakbang na iyon ay lumago at naging Taberna Group of Companies (TGC), na binubuo ngayon ng apat na pangunahing negosyo at humigit-kumulang 250 miyembro ng lumalaking TGC Communi-T.

Kasabay nito ipinagdiwang ng mag-asawa ang panibagong milestone sa TGC for Business 2026: An Open House for Partners & Clients, na ginanap noong Oktubre 13, 2026, sa The Metro Tent, Pasig City.

Sa temang One Step, pinagsama-sama ng grupo ang mga negosyante, corporate clients, industry partners, kinatawan ng pamahalaan at media upang ipakilala ang kanilang mga produkto, serbisyo at business opportunities.

Naging guest speaker nila sa event si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cris Roque na nangakong laging andyan ang DTI para sa mga negosyanteng tulad nina Ka Tunying at Rossel.

Anyway, pormal na binuksan ang Open House sa pamamagitan ng ceremonial ribbon cutting. Bukod kay DTI Sec. Cris, andun din sina Department of Tourism Undersecretary Stanley K. Ng, at Pasig City Vice Mayor Robert “Dodot” Jaworski Jr.

Matapos ang ribbon cutting, pinangunahan ng kanilang anak na si Zoey Taberna ang isang taos-pusong panalangin ng pasasalamat.

Naging tampok sa Open House ang brand exhibits, food tasting, product demonstrations, business spotlights at mga exclusive event-day offers. Sa pamamagitan ng scavenger hunt at discovery activities, nahikayat ang mga bisita na kilalanin ang apat na brands.

Nagkaroon din sila ng pagkakataong makipag-usap sa TGC teams tungkol sa reseller, manufacturing, catering, corporate gifting at event production opportunities.

Na kung nabubuhay si Nay Lolit, bag-bag ang naiuwi niyang produkto. Hahaha.

Ang Ka Tunying’s ang banner store / brand nila, na kilala sa mga  pagkaing Pinoy, at bakery products, na nagtampok ng dining experiences, corporate gifts, functions, holiday packages at business partnerships.

Isa sa mga alok ang Community Partner reseller packages na nagsisimula sa ?25,000 para sa mga nais pumasok sa food business.

Ipinakilala naman ng Kumbachero Food Corp ang food manufacturing at supply solutions, kabilang ang white-label manufacturing, toll production, bulk orders at reseller programs.

Sa Create Your Own Food Brand, maaaring mag-explore ng sariling food products ang mga negosyante sa tulong ng production facilities ng kumpanya.

Ipinakita naman ng Taste of the Town Catering ang full-service catering para sa corporate events, kasalan at social celebrations, kasama ang gourmet hotbox deliveries, grazing spreads at customized food experiences.

Itinampok naman ng Outbox Media Powerhouse Corporation ang event management at production, multimedia, creative direction, artist ma­nagement at interactive event activations, kabilang ang Eventverse experience.

Sa pagsasama-sama ng apat na brands, ipinakita ng TGC ang isang business ecosystem na nagbibigay ng magkakaugnay na solusyon sa pagkain, supply, catering, events at creative services.

Sa likod ng apat na negosyo ay ang humigit-kumulang 250 miyembro ng TGC Communi-T.

Ang kauna-unahang TGC Open House ay kapwa selebrasyon at bagong simula. Mula sa unang hakbang ng dalawang first-generation entrepreneurs, lumago ang kanilang mga negosyo bilang apat na brands at isang Communi-T na may humigit-kumulang 250 miyembro.

Para rin sa Taberna Group of Companies, ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang tungkol sa pagpapalago ng sariling negosyo, kundi pati sa pagbibigay ng pagkakataon sa ibang tao na umangat at lumago kasama nila.

Kaya naman kasabay sa paglago ng negosyo nila inamin, ni Ms. Rossel na open na ang mister niyang si Ka Tunying na mag-retire sa pagiging broadcast journalist at tumutok na lang sa kanilang lumalawak na negosyo.

Aminado naman si Ms. Rossel na nadaanan na nila lahat ng mga pagsubok kaya naman ‘yung kinakaharap nila ngayon ay kayang-kaya na nila.

Pero ang matinding kalaban anila ngayon ay matuto silang mag-adapt to technology.

KA TUNYING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with