^

Metro

Mag-ina niratrat sa hotel, 1 patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina niratrat sa hotel, 1 patay
Sa ulat ng Makati City Police Station, dead-on-arrival sa Makati Medical Center ang 63-anyos na babae habang patuloy pang nilalapatan ng lunas ang 26-anyos na anak na babae.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang ­senior citizen habang sugatan ang anak na babae nang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na salarin sa Makati City, Lunes ng gabi.

Sa ulat ng Makati City Police Station, dead-on-arrival sa Makati Medical Center ang 63-anyos na babae habang patuloy pang nilalapatan ng lunas ang 26-anyos na anak na babae.

Patuloy naman ang pagtunton sa suspek na inilarawang nakasuot ng maong shorts, puting­ t-shirt at sapatos, na armado ng baril.

Nabatid sa  imbestigasyon na dakong alas-6:46 ng gabi ng Agosto 3, nang maganap ang insidente sa  harap ng isang hotel panulukan ng Makati Avenue at Durban St. sa Brgy. Poblacion, Makati kung saan bigla na lang pinagbabaril ng suspek ang mag-ina at saka tumakas na naglakad lang.

Isinugod sa nasabing pagamutan ang mag-ina, habang agad namang nagsagawa ng dragnet operation ang Makati Police sa pangu­nguna ni PCol. Pedro Alagano Jr. at iba pang kalapit na istasyon ng pulisya para sa agarang pagdakip sa suspek at matukoy ang motibo.

NIRATRAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with