Ateneo inilublob ang UE sa 0-7
MANILA, Philippines — Limang sets ang binuno ng Ateneo de Manila University bago nila tinalo ang University of the East, 20-25, 25-16, 22-25, 25-15, 15-13, sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Si Alexis Ciarra Miner ang nanguna sa opensa ng Blue Eagles sa tinikadang 23 markers mula sa 20 spikes at tatlong blocks pero si Lyann Marie de Guzman ang kinapitan nila sa dikdikang labanan sa fourth at fifth set.
“I’m very happy sa ipinakita ng team. Nag-struggle kami in the game, pero sabi ko sa kanila hindi kami dapat sumabay sa UE,” wika ng 23-anyos na si De Guzman.
Pumalo si De Guzman ng 17 points kasama ang 16 attacks at isang block bukod sa 14 excellent receptions at 13 excellent digs para sa 2-5 kartada ng Ateneo.
Mahigpit ang naging labanan sa deciding set kung saan ay hinawakan ng Blue Eagles ang 7-5 abante bago sila lumayo sa Lady Warriors.
Nagtala si Nessa Karzai ng 24 points para pamunuan ang UE (0-7).
- Latest