^

Bansa

Kris nagpasaring kay VP Sara: Harapin ang impeachment

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kris nagpasaring kay VP Sara: Harapin ang impeachment
Vice President Sara Duterte said her camp is forming an information technology team and a legal team to prepare for possible cheating in the 2028 elections, should she decide to run, during a press conference at the Office of the Vice President in Mandaluyong City on November 27, 2026
Michael Varcas / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tila may patama ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino kay Vice Pres. Sara Duterte nang magsilbing host ng taunang Christmas tree lighting ceremony sa Malacañang nitong Sabado ng gabi.

Sa naturang aktibidad, binigyang-pagkilala ni Aquino si Senate President Sherwin Gatchalian, na pinuri niya sa pagharap ng mga kasalukuyang isyu.

Nagpahayag din siya ng kumpiyansa sa kakayahan ng Senado na ilahad ang katotohanan hinggil sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado.

Hindi naman direktang pinangalanan ni Aquino ngunit tila si VP Sara ang pinatamaan niya nang sabihing, “Humarap ka talaga. Kung meron talaga ngayong nagaganap sa Senado, kailangan magtiwala tayo sa galing ng mga senador, na malaman kung ano ang totoo. At bilib na bilib ako kay Senate president.”

Ang taunang pag­titipon ay dinaluhan ng mga government officials at mga guests.

Naging highlight nito ang ceremonial lighting ng 54-talampakang Christmas tree sa Palasyo, na pinangunahan nina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Nagsilbi namang co-host ni Aquino sa aktibidad ang kanyang anak na si Bimby Aquino Yap.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with