Libreng sakay ng DOTr, arangkada pa rin sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Kasabay ng ikatlong araw nang idinaraos na tigil-pasada ng transport group na Manibela ay muling nagkaloob kahapon ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay para sa mga commuters sa Metro Manila na naging available mula 6:00AM hanggang 9:00PM.
Umarangkada ang libreng transportation service ng ahensiya sa mga ruta ng Quiapo hanggang Cubao; Quiapo hanggang Doña Carmen, Commonwealth; Quiapo hanggang Fairview; Taft (Buendia) hanggang Alabang; at Commonwealth hanggang Cubao (via East Avenue/V. Luna).
Ang pagkakaloob ng free rides ay nagsimula noong Lunes, sa pagsisimula ng tigil-pasada ng Manibela at pagdaraos ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO).
Kahapon ay itinuloy pa rin ng grupo ang tigil-pasada ngunit agad din kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon.
- Latest


















