^

PSN Palaro

Creamline reresbakan Choco Mucho sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Creamline reresbakan Choco Mucho sa semis
Matinding paluan ang magaganap sa pagitan nina Jema Galanza ng Creamline at  Eya Laure ng Choco Mucho.

MANILA, Philippines — Excited nang resbakan ng No. 2 Creamline ang sister team at No. 3 Choco Mucho sa kanilang semifinals match sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence Siklab Series.

Tinalo kasi ng Flying Titans ang Cool Smashers, 23-25, 25-13, 25-23, 22-25, 15-13, sa elimination noong Nobyembre 12.

“Exciting kasi mara­ming tao, maraming nagchi-cheer, lalo na rin galing kami sa talo sa kanila, five sets,” sabi ni Creamline spiker Tots Carlos sa pagbawi nila sa Choco Mucho.

“Excited kami, ako personally, na makita ‘yun ulit sa next games namin at kung paano namin suportahan ulit ‘yung isa’t isa. For sure happy ‘yung mga boss namin,” dagdag nito.

Bitbit ng Cool Sma­shers ang ‘twice-to-beat’ advantage sa pagsagupa sa Flying Titans ngayong alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Tangan din ng No. 1 Nxled Chameleons ang ‘twice-to-beat’ kontra sa No. 4 Farm Fresh Foxies sa upakan nila sa alas-3:30 ng hapon.

Muling makakatuwang ni Carlos sa Creamline sina Jema Galanza, Alyssa Valdez, Bernadeth Pons, Bea de Leon, Pangs Panaga, setter Jia De Guzman at libero Jen Nierva.

Ibabangga ng Choco Mucho sina Eya Laure, Sisi Rondina-Rosales, Maddie Madayag, Caitlyn Viray, Kat  Tolentino, Jewel Encarnacion, setter Alina Bicar at libero Dawin Catindig.

Nakatutok naman ang Nxled sa kanilang kauna-unahang finals appearance sa pakikipagtuos sa Farm Fresh.

Sinagpang ng Chameleons ang Foxies, 25-19, 25-17, 23-25, 20-25, 15-12, sa una ni­lang pagkikita noong Ok­tubre 17.

Kung magkakaroon ng ‘do-or-die’ game sa dalawang semis mat­ches ay gagawin ito sa Huwebes sa parehong venue.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with