OVP: Tree planting walang konek sa Cale88

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Office of the Vice President (OVP) ang anumang kaugnayan ng tree-planting campaign nitong “Pagbabago: A Million Trees Campaign” sa pagtupad ng Cale88 Foods Corporation sa tree-planting requirement ng Board of Investments (BOI).
Sinabi ng OVP na walang batayan ang naging pahayag ni prosecution counsel Atty. Erwin Matib hinggil sa umano’y koneksyon ng tree-planting activities ni Vice President Sara Duterte at ng Cale88 na nabanggit sa ika-45 araw ng impeachment trial noong Biyernes.
“Any attempt to link the Vice President’s participation in the OVP’s environmental initiatives to Cale88 Foods Corporation’s BOI compliance is misleading, malicious, and has no factual basis,” ayon sa OVP.
Una na ring tumutol si defense counsel Atty. Justin Nicol Gular sa pagpasok ng isyu ng pagtatanim ng puno sa pagdinig. Aniya, “misleading, malicious, and callous” ang mga paratang na nag-uugnay sa OVP at sa Cale88.
Iginiit ng OVP na ang kanilang tree-planting campaign ay isang hiwalay at independiyenteng environmental initiative na sumusuporta sa mga programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa carbon emissions at climate change.
Ayon pa sa OVP, mula nang ilunsad ang “Pagbabago: A Million Trees Campaign” noong Marso 27, 2023, umabot na sa 1,386,682 puno ang naitanim sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.
- Latest





















