^

Bansa

‘Ghost students’ kakalusin sa bagong Voucher Law

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ilalim ng bagong batas sa voucher program ng pamahalaan, mas mahihirapan na ang mga tiwaling opisyal na gumamit ng mga “ghost student” para makakulimbat ng pondong nakalaan sa mga lehitimong mag-aaral.

Ito ang binigyang-diin ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12327 o ang Basic Education Voucher Assistance Act.

Ayon kay Valeriano, mas maraming batang Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong makapag-aral sa pribadong paaralan sa pamamagitan ng subsidiya ng pamahalaan, habang mababawasan din ang siksikan sa mga pampublikong paaralan.

Gayunman, sinabi niyang kailangang paigtingin ang mga hakbang laban sa panlilinlang, kabilang ang paggamit ng “ghost scholar” at iba pang anomalya na nagdudulot ng paglustay sa pondo ng bayan.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang Department of Education (DepEd) na magtatag ng sentralisadong sistema para sa beripikasyon ng mga benepisyaryo, magsagawa ng regular na audit at inspeksiyon, at protektahan ang mga whistleblower na mag-uulat ng mga iregularidad.

Hinimok din ni Valeriano ang DepEd na mahigpit na beripikahin ang mga rekord ng enrollment upang matiyak na mga kuwalipikadong estudyante lamang ang makikinabang sa programa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with