^

Police Metro

2 holdaper ng pulis, patay sa shootout

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 holdaper ng pulis, patay sa shootout
Isa sa nasawi ay kinilalang si alyas “Flor”, 47, na ayon sa pulisya ay lider ng carnapping at robbery group, habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng kasama nito.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang holdaper ang nasawi matapos na mapatay sa isang shootout nang holdapin nila ang isang pulis naganap nitong Huwebes ng tanghali sa Taguig City.

Isa sa nasawi ay kinilalang si alyas “Flor”, 47, na ayon sa pulisya ay lider ng carnapping at robbery group, habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng kasama nito.

Habang ang biktima ay isang pulis na nakatalaga sa Taguig City Police Station ay nasugatan.

Nabatid na ang grupo ni Flor ay kabilang umano ang 10 kaso carnapping at iba pa.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:40 ng tanghali nang ay nakatayo ang biktimang pulis na nakasibilyan sa tabi ng carwash sa panulukan ng Pedro Cayetano Boulevard at Bagong Calzada, Barangay Ususan, Taguig nang lapitan ng mga suspek.

Tinutukan ito ng baril at sapilitang tinangay ang suot na kwintas. Agad na itinawag ng biktima sa “911”, at rumesponde ang mga tauhan ng Sub-Station 4, at mga operatiba ng Station Intelligence Section ng Taguig CPS.

Habang papatakas ang mga suspek ay pinaputukan ang mga pulis na kung saan ay gumanti ang mga ito at napatay ang dalawang suspek.

Narekober ang dalawang baril na ginamit ng mga suspek, motorsiklo at nabawi ang kwintas ng biktima.

SHOOTOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with