^

Police Metro

2 motor nagsalpukan: 1 utas, 2 sugatan

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang rider habang dalawa ang nasugatan sa naganap ng salpukan ng kanilang mga motorsiklo sa kahabaan ng Indang-Naic Road, Brgy. Banaba Cerca, Indang, Cavite.

Kinilala ang nasawing rider na si alyas “Ronel” habang nasugatan naman ang rider na si alyas “Christopher” at angkas na si alyas “Zaijan.”

Sa imbestigasyon ng pulisya,gabi ng Oktubre 28 ay binabaybay ng biktimang si alyas “Ronel” ang kahabaan ng nasabing lugar sakay ng kaniyang Suzuki raider nang masalubong ang isang Yamaha mio na minamaneho ni alyas Christopher at ­angkas nito si alyas “Zaijan.”

Dahil sa pakurba ang kalsada, hindi na nagkaiwasan ang mga ito at tuluyang nagsalpukan.

Sa tindi nang salpukan ay tumilapon si alyas “Ronel,” at nagpagulong gulong sa kalsada na agad itinakbo sa pagamutan, subalit idineklarang dead- on-arrival.

Nasugatan din ang kasalpukan ni alyas “Ronel” na dinala sa ospital at kakasuhan ng pulisya.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with