^

PSN Palaro

Adamson, Lyceum giyera agad sa Unity Cup opener

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong pares ng laban ang magkakaldagan sa collegiate volleyball ng 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz ngayong araw.

Pakay ng Adamson University na tuldukan ang tatlong taong tagtuyot sa podium sa pagharap nila sa Lyceum of the Philippines University sa unang laro sa ala-1 ng hapon sa Pool D.

Nagtapos sa ikatlong puwesto sa unang edisyon noong 2022, ipaparada ng Lady Falcons ang kanilang solidong lineup sa pangunguna ng power-hitting winger na si Frances Mordi, kasama sina Joy Aseo, Lhouriz Tuddao, Lana Barrera, at ang mga playmaker na sina Bella Sapienza at Fhei Sagaysay.

Huhugot din ng lakas ang Adamson sa kanilang top hitter na si Shaina Nitura pagkatapos ng maikling pahinga matapos ang kanyang paglalaro para sa Alas Pilipinas sa ika-20 Aichi-Nagoya Asian Games.

Nais ng Adamson na makasungkit ng medalya sa ikalimang yugto ng torneo na sinusuportahan ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R&B Milk Tea, matapos silang mabigo sa laban para sa tansong medalya noong nakaraang taon laban sa Far Eastern University.

Sa kabilang banda, naghahangad ng magandang simula sa kanilang kampanya ang Lady Pirates matapos silang matanggal sa unang round noong 2025 edisyon ng nasabing liga.

Maghaharap sa alas-3 ng hapon ang Mapua University at Jose Rizal University habang magkatapat sa alas-5 ng hapon ang Arellano University at Perpetual Help.

Ang naturang torneo ay itinataguyod ng Smart, PusoP.com, at Summit Natural Drinking Water, kasama ang Philippine Sports Commission, Commission on Higher Education, Mikasa, Asics, Rigour Technology, Jersey Haven, Solar Sports, at 12 Beyond Production bilang mga technical partner.

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with